Emosyonal habang humihingi ng sorry si Rosanna Roces kay Lorna Tolentino na maalalang nalink noon kay Rudy Fernandez.

Sa vlog ni Ogie Diaz ay ikinuwento niya ang pag-uusap nila ni Rosanna: "Nakausap ko si Osang, si Rosanna Roces. Finally, nabunutan na siya ng isang malaking tinik sa dibdib. 

"Dahil finally, nagkausap na sila ng isang taong feeling niya eh masama ang loob sa kanya. Siya mismo ang lumapit sa taong ito para personal at face to face na humingi ng sorry.

Si Rosanna ay ang bagong karakter na pumasok sa "Fpj's Ang Probinsyano" na kung saan kinabibilangan rin ni Lorna Tolentino.

Sa nasabing vlog ay tinanong ni Mama Loi si Ogie kung bakit sila magkagalit.

Sagot ni Ogie: "Na-link kasi ang namayapang Rudy Fernandez kay Rosanna Roces, na-link, at aminado naman si Osang na syempre, babae rin siya. Feeling niya, nadehado rin si LT bilang misis," 

Ikinuwento din ni Ogie ang sinabi ni Osang matapos silang magkita ni Lorna: "Binati na ako ni LT, ginawa ko niyakap ko tapos sabi ko, 'Galit ka pa sakin?' sabi niya, 'Hindi na. Ang tagal na nun.' "Niyakap ko ulit sabay sabi ko, 'Sorry.' Naiyak ako. Sabi niya, 'Hayaan mo na, nasa langit na yung isa.' Kaya raw sobrang happy ni Coco Martin," 


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post