Emosyonal na kinumpirma ng actress na si LJ Reyes sa teaser interview ni Boy Abunda sa kanya na hiwalay na sila ng kanyang longtime partner na si Paolo Contis.

Sa nasabing interview ay tinanong siya ni Tito Boy ng: "Ang separation niyo ni Paolo, was it mutual?"

Sagot naman  ni LJ: "It was so difficult, it was so painful... Kung hindi malakas 'yung pananampalataya ko sa Panginoon, hindi ko alam kung saan ako pupulutin."

Follow-up na tanong ni Tito Boy: "Sino ang humiwalay?"

Sagot ni LJ: "Matagal ko nang nararamdaman na parang nakahiwalay na siya sa amin."

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post