Nagpost ng nakakatuwang reaksyon ang actress na si Maris Racal kaugnay sa face shield blooper ni Janice de Belen.

Nito lamang August 12, ay naguest sina Maris at Janice sa morning talk show ng kapamilya network na Magandang Buhay.

Sa nasabing talkshow nangyari ang nasabing blooper sa isang cooking segment kung saan nagluto si Maris ng kanyang special dish. Isang Visayan soup na tinatawag na Law-Uy.

Makikita sa Facebook post ni Maris na tila nakalimutan ni Janice na may face shield siyang suot habang tinikman ang luto ni Maris.

Sabi ni Maris: "sinasabi ko sa inyo sana wala nang face shield. lito lito na tayo." 


Sa comment section makikita na naglove you naman agad si Maris kay Janice.



Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post