Inulan na naman ng paghanga ang komedyante at It's Showtime host na si Vice Ganda dahil sa kabutihan na kanyang ginawa para sa isang 'Reinanay' contestant.

Sa isang episode ng Reina ng Tahanan, ikinuwento ng anak ng isang contestant na nakatira umano sila sa dating labahan ng kanyang lola.

"Dati pong labahan nila lola po. So ginawa po namin, dahil wala pong kasama si lola, kailangan po ng kasama para may magbabantay. 

"May magbibigay ng mga pagkain sa kanya tapos ang itsura po dun, inayos na lang po namin, nilagyan namin ng double deck na kama. 

"Nilagyan lang po ng divider para may matatawag po na kusina at lababo. Nilagyan din po ng gripo para magkaron ng lababo para hugasan po. 

"Tabi rin po ng eskinita kaya naririnig po namin yun mga tao dun na dumadaan kahit madaling araw na, nabubulabog po kami ng mga aso, ganun." 

Matapos marinig ni Vice ang kwento ng anak ng contestant ay tila nadurog raw ang puso ni Vice. Kaya naman ay sinabihan ni Vice ang nasabing contestant na siya na ang magbabayad sa renta ng kanilang lilipatan.

"Ako na ang magbabayad nung lilipatan ninyo, umalis kayo dun sa sitwasyon niyo na yun, 

"Kahit isang taon, kung magrerenta kayo, isang taon babayaran ko yung isang taon ng renta ninyo," sabi ni Vice 

Panoorin dito:

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post