Sa artikulo ng Philippine Entertainment Portal na isinulat ni Jojo Gabinete, ay nakiusap ang dating action star na si John Regala sa mga TV Network na sana ay mabigayan siya ng trabaho.

 “Pakiusap ko lang po sana sa mga television network, bigyan niyo naman ako ng trabaho. Kaya ko pa naman [umarte] dahil ito ang makapagpapasaya sa akin. Maraming salamat po.” 

May hiling din si Regala ngayon sa Panginoon kaugnay sa kanyang kalagayan ngayon.

“Ang hiling ko lang sa Diyos, sana huwag na Niya akong pahirapan pa kung kukunin na Niya ako.

“Okey lang po ako ngayon at nagpapalakas. Alam ko na wala nang kagalingan ang aking sakit ngunit inuubos ko na lang ang aking lakas sa paglilingkod sa Diyos.

“Nandito lang po ako sa aking condominium unit at naghihintay ng pagkakataong makabalik sa pelikula.”

Nagpapasalamat din ang actor sa mga tumutulong sa kanya lalo at sumuporta peru tanging hiling lamang ng actor ay ang makabalik siya sa pag-arte.

"May ilang loyal supporters na tumutulong sa akin, lalo na ang Iglesia Ni Cristo na hindi ako pinababayaan sa panahon ng pandemya. 

"Pero ang pag-arte sa mga pelikula at teleserye ang mga bagay na inaasam-asam na muling maranasan ang hiling ko lang.

"Maraming salamat din sa mga sa tao na tumutulong at sumusuporta sa akin. Hinding-hindi ko kayo makakalimutan, baon-baon ko kahit saan ako makarating ang kagandahang-loob n'yo sa akin," 

Source: PEP.PH


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post