Buong tapang na isiniwalat ng online personality at convicted scammer na si Xian Gaza ang umanoy 'modus operande' ng kilalang Psychic na si Rudy Baldwin.

Sa kanyang facebook page na NYAEM ay isiniwalat niya ang kanyang expose tungkol kay Baldwin.

Sabi ni Xian:

"It takes one to know one. Dati akong scammer. Dati akong convicted scammer so alam ko 'yung mga kauri ko." 

"These vision na pino-post niya, na galet na galet kasi all caps, are not visions. Hindi siya santo or santa na sugo ng Diyos, o pinadala ng demonyo sa lupa. Walang gano'n. Isa lamang siyang con man, scammer na nagpe-pretend.  And 'yung visions na pino-post niya sa social media are just predictions, scientific guess, hypothesis, na pinagbabasehan niya 'yung current events."

"Gagawa siya ng visions sa social media, mga predictions. 'Pag may tumama na isa, may mga followers siya na na magpo-post – mga shushunga, mga baliw na baliw, mga DDS. Ishe-share niya ngayon, kapag nai-share niya parang pino-point out niya sa mundo na 'Ano kayo? Tama ang visions ko – sumabog ang bulkan, lumindol, may namatay!' 'Pag tumama, tuwang-tuwa 'to kasi gumaganda ang kredibilidad niya sa social media."

"Bakit niya kailangan 'to? Kasi kada tama na vision niya kuno, nagkakaroon siya ng kredibilidad at ang kanyang mga followers na paniwalang-paniwala ay nagme-messae sa kanyang Facebook account at page. Kaya nga galit na galit siya sa mga poser kasi 'pag may poser na Rudy Baldwin at may follower siya na nauto, du'n sa poser niya ang punta, mawawalan siya ng negosyo. Ano 'yung negosyo? "

"Ime-message siya ng followers niya... Magpapahula. Virtual hula. Huhulaan niya. 'May vision ako sa'yo pero deposit muna sa bank account at G-cash ko.' Lahat ng ibi-vision niya doon sa taong nagbayad ay panay trahedya, at ang very vulnerable mind ay nama-manipulate niya. Grabe 'yung trauma na ini-instill niya sa utak ng tao."

"Nakukuha niyo na ngayon, 'yung modus operandi niya? 'Na 'yung mga baliw na baliw sa kanya, pagbabayarin niya para hulaan ng kapalaran at sasabihin niya puros negative. At para hindi mangyari 'yon, 'dadasalan kita ngayon kung maghulog ka ulit ng pera sa aking banko o G Cash.'"

"She's earning P1 to P2M pesos per month because of this – pabayad sa hula, pabayad sa amulet, pabayad sa mga orasyon at dasal pangontra sa mga kamalasan na kanyang na-vision kuno. Paano ko nalaman? May lumapit sa akin na dalawang tao... Hindi ko nakayanan kaya sabi ko, i-expose ko na 'to, hindi ito pwede."

Narito ang buong video:

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post