Isa ngayon ang actor na si John Prats sa In-demand na direktor na kamakailan lang ay naging director sa "Reynanay" segment ng Its Showtime.

Peru sa isang episode ng Its Showtime ay ibinunyag ni Vhong Navarro sa madlang pipol na si John ang nagdi-direk sa friday episode ng nasabing show.

"Dapat i-enjoy natin ngayon dahil ang direktor natin ngayon ay si John Prats,” sabi ni Vhong sa  “Tawag ng Tanghalan” segment.

“Direk John Prats in the house,” dagdag naman ni Kim Chui 

Sa kanyang Instagram, ibinahagi ni John ang ang kanyang larawan habang nagtatrabaho bilang direktor at pinasalamatan si Arnel Natividad , isang direktor sa ABSCBN sa tulong nito.

“A great director gives life to a work of art -- gives it a heartbeat... a pulse... opens its eyes to the world,”caption ni John sa kanyang post

Maalala na hindi lang ito ang unang pagkakataon na naging direktor ang actor sa show ng ABSCBN. Siya lang naman ang naging direktor sa ABSCBN Christmas Special.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post