Talagang di mapigilang maiyak ng actress na si Ruffa Guttierez matapos niyang mapanood ang pag-propose ng partner ng isang 'Reinanay' contestant.

Isa si Ruffa sa judge ng hit na segment ng Its Showtime na "Reina ng Tahanan".

Isa sa contestant nitong lunes na si Claris Valledores ang nasorpresa sa kanyang partner matapos itong magpropose sa kanya matapos ang 13 na taon nilang pagsasama.

"Ang tagal kong pinapangarap, na gusto kong makasal,"sabi ni Claris 

“Hindi ko akalain na maaapektuhan ako. Parang na-realize ko at that moment, parang gusto ko rin ikasal ulit" paliwanag naman ni Ruffa habang naiiyak 

Narito ang video:

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post