Naging palaisipan kamakailan lang ang mga cryptic post ng mag-asawang Chito at Neri Miranda sa social media.

Nagpost kasi ang dalawa sa kanilang social media account na tila nagpahiwatig na tila may problema sa kanilang relasyon.

“Akala ko walang magbabago at sobrang ok na ang lahat…pero bakit parang hindi na tulad ng dati? Bakit may bahong patuloy na sumisira sa pagsasamang nakasanayan natin” ayon sa IG post ni Chito 

“Tag ulan na talaga. Maraming pumapasok sa isipan mo kapag ganito ang panahon,
”Minsan napapaisip ka.. kahit ginagawa mo na ang lahat, parang hindi pa rin sapat. May kulang pa ba?” sabi naman ni Neri 

Peru isang episode ngayong araw sa Idol in Action ay nagapag-alaman na bahagi pala ng isang brand endorsement ang kanilang mga post.

Marami namang netizens ang na-aaliw sa episode na iyon dahil ayon sa ilang netizens nakakatuwa ang pakulo ng mag-asawa.



 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post