Usap-usapan ngayon sa social ang kumakalat na tsismis na diumanoy papalit si Julia Montes kay Jane de Leon bilang bagong leading lady ni Coco Martin sa Ang Probinsyano.

Ito ay matapos mag-eexit na si Jane dahil magsisimula na ang taping sa kaabang-abang na tv series na Darna ngayong Setyembre.

Ayon sa very reliable source ng kolumnistang si Jun Lalin, si Julia Montes na nga ang ipapalit sa papaalis ng si Jane De Leon bilang leading lady ni Coco Martin sa longest-running primetime drama ng Kapamilya network na Ang Probinsyano.

Kung totoo man ang tsismis na ito ay for sure marami sa mga mga CocoJul fans ang matutuwa nito.

Kaya abang-abang na tayo mga Kapamilya!

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post