Nagsalita narin sa wakas ang dating GirlTrend member na si Maika Rivera na nakatrabaho ni Aljur Abrenica sa ABSCBN tv series na Sandugo matapos idawit ang kanyang pangalan sa hiwalayang Aljur at Kylie Padilla.

Aniya, hindi raw siya ang Third Party, at walang katutuhan ang mga alegasyong ito.

"I can honestly say with my whole heart na hindi po ako yung third-party. Nangyari na po sakin yan, and nangyari na rin po sa malapit sakin, and ayoko pong maging ganun. Hindi po ako yun. 

Ayon pa kay Maika, malaki raw ang respeto niya kay Kylie.

"Malaki po ang respeto ko at mataas po ang respeto ko kay Ate Kylie. Napakaganda niya pong babae, napakastrong niya po so hinding hindi ko po gagawin yun." 

Panoorin dito:

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post