Di mapigilang supalpalin ni Korina Sanchez ang isang basher na pumupuna sa ipinamigay niyang mga tsinelas.

Sa kanyang instagram, ibinahagi ni Korina ang ilang larawan na kuha noon namigay sila ng tsinelas sa Malolos, Bulacan kasama ang kanyang Rated K team.

Ayon kay Korina 150 na mga kabataan ang nabigyan nila ng mga tsinelas.

"I saw the child running on the hot pavement barefoot, andumi ng paa, parang hindi napapaso ang talampakan. Pero nakatawa parin. I remember Pepe en Pilar and I couldn’t imagine them this way.

Well that’s why Rated Korina continues where Rated K left off. We were in Malolos, Bulacan today. Si Neil, yung bata, nakatitig sa bago niyang tsinelas. Parang di makapaniwala. 150 children went home with a big smile today. Tsinelas lang pero anlaking bagay." caption ni Korina sa kanyang post 

Peru may isang netizen ang di mapigilang kuwestyonin si Korina: "Bakit puro mumurahin tsinelas lang binibigay hindi ba pwedeng maayos at matibay na sapatos yun tatagal gamitin. Magbibigay din lang kayo yun mapapakinabangan at pangmatagalan naman" 

Agad itong sinagot ni Korina at sinabihan niya ang netizen ng: "Kapal mo. Gumastos ka nga para sa Milyon Milyon bata?🤨👎” 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post