Nagsalita narin sa wakas ang actress na si Julia Montes tungkol sa kanyang buhay pag-ibig.

Sa isang interview, ni G3 San Diego ng Mega Entertainment kay Julia ay inamin nitong inlove siya ngayon.

 "Actually, hindi ko kasi siya sasabihing secret. We just chose this path kasi we both believe na, ‘Ang atin, atin. Pumasok tayo sa trabahong ‘to na magulo. ‘Wag na nating paguluhin pati ‘yung atin,'

"There’s nobody…It’s just a personal choice. Personal choice namin ‘yun. And for us kasi talaga, naniniwala kami ‘pag ano kasing nandiyan, sisirain. ‘Pag hindi kayo, ‘pag magka-love team kayo, gustong maging kayo. ‘Pag kayo, pagsisirain kayo. So, might as well, ‘O, anong alam niyo?’ Okay, kung anong alam niyo, okay po. ‘Yun na lang,” dagdag pa ng actress 

Nang tanungin naman siya kung bakit hindi nila isinapubliko ang kanilang relasyon.

Siguro kasi sa buong buhay ko, hindi ako selfish. This time, gusto ko ‘yung akin, akin," sabi ni Julia 

Ayon pa kay Julia, ayaw raw niyang mapressure sa mga tao tungkol sa kanyang lovelife.

“Growing up, ang dami ng pressure. Pero ‘yung lumaki ka sa children’s show na parang siyempre lumalaki kaming may mga pressures, gusto ko sa aspeto ng buhay ko na ‘to, walang pressure," sabi ni Julia 

"‘Yung taong involved, ako, ‘yun lang ‘yung… ‘yun lang ‘yung importante, ‘yun lang ‘yung–’yun lang ‘yung nagma-matter. Walang opinions ng ibang tao kasi hindi naman natin lahat mape-please. And that’s my point of view na parang ‘wag na natin stress-in ‘yung sarili natin sa labas. Ito ‘yung atin so let’s just be happy and enjoy," dagdag pa ng actress 

Inamin din ni Julia mas naging sweet siya ngayon.

"Siguro ‘yun pala ‘yung pakiramdam na inaalagaan ka naman. Hindi lang ikaw ‘yung nagbibigay ng love. Meron ka nang nare-receive na love. Mas naging expressive ako. Mas expressive ako sa mga bagay na emotions, especially when it comes to the aspect of love –’yung, ‘I miss you,’ ‘I love you,’ ‘yung hindi na ako nahihiya to take care of somebody. Dati kasi meron pang, ‘Baka isipin naman masyado akong ano.’ Or sa family ko, minsan–dahil nakalakihan namin na hindi kami sweet, ngayon mas sweet ako dahil sa love. So, ang laki ng difference,” sabi ni Julia 

At sa tanong naman kung magpropose na sa kanya ang kanyang mahal bukas,sagot ni Julia “Yes, of course!” 

“I will not protect it naman if hindi,” dagdag pa ng actress 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post