Nagsalita na rin sa wakas ang actor na si John Prats kaugnay sa kanyang pagiging Direktor sa Its Showtime at 5 years niya sa longest running teleserye na Ang Probinsyano.
Ayon kay John mahirap raw.
“It’s really hard!
“I have to balance also not just ‘Probinsyano’ and ‘Showtime,’ but also time for my family. May bunso pa ako na kaka-one year old lang. So hangga’t may time ako, I’m here at home, I spend it with them talaga,” sabi ni John Prats sa kanyang interview sa ABSCBN News
Natutuwa rin ang actor dahil sa binigay na tiwala sa kanya ng ABSCBN.
"Natutuwa ako, kasi niyakap nila ako. Hindi ko na-feel ‘yung may resistance. They gave their 100% trust sa akin. That’s why ganoon din ‘yung sinusukli ko sa kanila. Pinapangako ko na tatrabahuhin ko talaga ‘to, kasama sila.
“Kaya ang ganda ng chemistry na na-build namin ngayon. Ang feeling ko nga, ang tagal ko na silang kasama! Hindi ko na-feel na bago, kaya sobra ko silang naa-appreciate. Sobrang thankful ako sa pag-welcome ng hosts, ng staff, the whole team, the whole ‘Showtime’ family. As in lahat, open arms talaga ‘yung pagsalubuong nila sa akin at pagtanggap nila sa akin,” sabi ng actor
Nagpapasalamat din ang actor sa Panginoon dahil sa kanyang bagong journey ngayon bilang direktor.
“Sa lahat ng nangyayari sa buhay ko, si Lord God ang nagbigay. Wala akong pinag-aralan sa pagdi-direk. Hindi ako pumasok sa eskuwelahan, hindi ako kumuha ng kurso ng directing. Feeling ko, it is a gift from Him, kung paano ko nagagawa ang mga nagagaw ko ngayon,”
“At feeling ko rin, kadalasan, hindi ako ang nagdi-direk, Siya talaga. Iyon ang nararamdaman ko, genuinely. Feeling ko, ginagamit niya ako to inspire a lot of people, and I just want to keep and maintain that core, ‘yung belief na ‘yun. More than a job, it’s a purpose.”