Nagreact na ang OPM singer na si Jay R sa kissing scene ng kanyang asawang si Mica Javier kay Gerald Anderson sa patok na sa primetime serye na 'Init sa Magdamag'.

Sa nasabing serye, ginampanan ni Mica ang role ni  Paulina at si Gerald naman bilang Tupe. Sa isang scene, habang pinag-usapan ni Tupe si Rita(Yam Concepcion) ay biglang hinalikan ito ni Paulina.

"What? What is happening? What is going on? I hope you brush your teeth after that. I hope you ate a mint,"sabi ni Jay R nang ipinakita sa kanya ang video nang nasabing scene sa interview niya sa Kapamilya Chat 

Ito naman ang naging reaction ni Jay R sa nasabing scene: "It was cool. Okay lang naman. Reaction? It looked, parang hindi nagtagpo, oh di ba? Parang, okay lang sa akin. Chill lang."

Ipinaliwanag naman ni Mica na pandemic raw ginawa yung scene na iyon. "Uy pandemic ito nung time na shino-shoot namin itong taping namin. So bawal 'yun di ba sa protocol."

Inamin rin ni Mica na nagpapa-alam siya kay Jay R kung sakaling may gagawin siyang mga daring roles.

"Of course sinasabi ko kay Jay R. Lagi kong kinukuwento. I have a love scene na naman or dinagdagan nila 'yung eksena kinailangan kong gawin ito. Kinukuwento ko lahat para transparent, para alam niya kung ano ang nangyayari. Kasi lalabas rin ito sa YouTube or kung saan siya ie-ere. So makikita rin niya or makikita rin sa social media,"

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post