Tuloy na tuloy narin sa wakas ang paglipad bilang Darna ng actress na si Jane de Leon.

Sa darating na Setyembre na sisimulan ang taping ng kaabang-abang na  “Mars Ravelo’s Darna: The TV Series” na pagbibidahan ni Jane.

Dahil dito, tinatapos na ni Jane ang mga natitira niyang eksena sa "FPJ's Ang Probinsyano," kung saan niya ginagampanan ang karakter ni Capt. Lia Mante.

Mapapanood ang mas maaksyong "FPJ's Ang Probinsyano" sa mga susunod na gabi dahil sa pagsasanib-pwersa nina Lia at Cardo para sa isang mahalagang misyon.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post