Pinalagan ni Herlene Budol o mas kilala bilang 'Hipon Girl' ang basher na nambabatikos sa kanya matapos ang viral interview sa kanya ni Toni Gonzaga.

Sinabihan kasi si Herlene na feeling mayaman.

"Feeling mayaman kasi dalawang negosyo na pinatayo mo di lumago kala mo kung sino sikat na." sabi ng basher 

Kaya naman agad itong niresbakan ni Herlen.

"Kaya po ako nagkwento kasi po tinanong po ako kaya po ako umiyak kasi nakakaiyak po. Kaya naman po ako nagnegosyo kasi nagtry po ako pero lugi.

" At araw-araw po ako nag papasalamat sa kung anogn meron po ako sana po pinanood niyo po ng buo at di po ako nagrereklamo kasi alam kong hindi lang po ako ang naapektuhan ng pandemic. God Bless." 

Photo Credits: @herlene_budol Instagram


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post