Ikinalulungkot ng komedyanteng si Vice Ganda ang ilang komento ng netizens na umanoy pinabayaan ng ilang staff ang programa ng Its Showtime.

Base sa artikulo na inilabas ng Philippine Entertainment Portal ay sinagot ni Vice ang mga ito.

"Kapag ino-okray nila iyong studio na parang sinasabi nilang pinabayaan namin, siyempre, nalulungkot din kami kasi hindi naman nila alam iyong totoong nangyayari.

"Okray sila nang okray sa programa na feeling nila, pinapabayaan namin iyong programa, hindi namin sila sinusunod.

“Kung alam lang nila iyong paghihirap ng staff 'tapos iyong mga bagong segments, ang tagal na."

Kahit si Vice mismo ay nagdemand narin daw ng bagong segment ng Its Showtime. 

 "Ako mismo, nagde-demand ako ng bagong segments kasi siyempre naaano rin ako, [gusto ko] nae-excite din ako sa ginagawa ko kasi kapag di ako nae-excite, siyempre kailangan iyon, e.

"As an artist, nae-excite ka sa ginagawa mo so nagde-demand din ako."

Sa kabila nito, ay naiintidhan rin daw ni Vice ang kasalukuyang sitwasyon ngayon ng ABSCBN lalot kulang sila ng empleyado dahil sa pagwala ng prankisa ng ABSCBN. 

 "Kaya lang, to be fair sa staff, since nagkaroon ng pandemic ‘tapos nawalan ng franchise ang ABS-CBN, alam naman nating lahat na ang daming na-retrench.

"So iyong manpower ng bawat program, lumiit. Sobrang konti na lang ang taong nagtatrabaho."

Inimanin rin ni Vice na naawa siya sa ilang staff ng Its Shotime.

"Nakakaawa nga kasi iyong headwriter minsan, floor director na rin siya. Executive producer, editor na rin siya. Isang tao, ang daming ginagawa.

"Siyempre, hindi naman alam iyon ng mga pangkaraniwang viewers. Hindi nila alam iyong hirap na pinagdaanan ng show ngayon para makapag-mount o makapag-launch ng segments. Pero kahit hirap na hirap, we are still trying to deliver what we are supposed to deliver."

Nasasaktan rin daw ang komedyante kapag may maririnig siyang negatibong komento sa nasabing show.

“Masakit kapag may naririnig ka na mga okray kasi they only presume and assume, but they don’t understand what’s going on.

“Minsan, may lack of compassion and understanding, pero wala akong magagawa.”

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post