Di mapigilang supalpalin ng actress na si Sharon Cuneta ang mga basher na pumuna sa viral na larawan nila ni Marco Gumabao para sa pelikulang Revirginized.

Matatandaan na nagpost sa kanyang facebook ang direktor sa nasabing pelikula na si Darryl Yap ng mga larawan kung saan makikita ang beach party scene para sa pelikula.

In cased you missed it : Netizens nasurpresa sa daring photos ni Sharon Cuneta para sa pelikulang Revirginized 

Matapos makita ito ng mga netizens ay agad umani ng samut-saring reaksyon ang nasabing mga larawan.

Mayroong mga netizens ang pinuri si Sharon at mayroon namang netizens ang pinuna ang actress.

Sa kanyang instagram post nito lamang June 17, ay sinagot na ni Sharon ang mga nambabash sa kanya.

Hinamon ni Sharon ang bashers na saka na lamang sila magmalaki kapag narating na nila ang kanyang edad, at kung kapareho ba ng kanyang hitsura sa edad niya ngayon.

"At sa mga bashers, pag 55 na kayo at malapit lapit ang itchura nyo sa akin ngayon, chaka lang kayo magkaka-K mandiri! Yuck kayo! Hahahahaha!"bahagi ng post ni Sharon 

Narito ang kanyang buong post.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post