Ibinunyag ng actress na si Judy Ann Santos na kung bakit hindi siya mahilig sa mamahaling gamit.

Base sa article na inilabas ng Philippine Entertainment News Portal, inalahad ni Juday sa isang interview na hindi siya magarbong tao.

"Mahilig ako pero hindi ko kayang bumili. I mean, hindi kaya ng puso ko. E, kasi, nanghihinayang ako sa pera. Para kasing, kasi bag lang siya. Puwede naman ako sa bayong o sa eco bag,"sabi ni Juday 

Ibinahagi rin ni Juday nung time na bumili siya ng Hermes bag na ilang beses niyang pinag-isipang mabuti bago siya nakapagdesisyong bilhin ito.

"May binili akong Hermès na bag, tinanong ko muna, ‘Puwede po ba ito installment?’ Okay, puwede, so check,"saad ni Juday 

"Kasi hindi naman ako mapormang tao. Kailangan ko ng very neutral na bag. Meron akong Chanel na flap bag at saka yung Hermès, yun na yun. Okay na yun," dadag pa ng actress 

Sa mga hindi nakaka-alam ang halaga ng pinakamaliit na bag na ito ay umabot sa 341,000 pesos.

Anong masasabi mo dito?

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post