Taas noong ipinagmalaki ng Magandang Buhay host na si Melai Cantiveros ang La Veda Lena star na si Erich Gonzales.

Sa isang episode ng Magandang Buhay nitong Lunes ay ibinahagi Melai ang pagiging mapagbigay ng kaibigan niyang si Erich.

"Ay sobra ang experience ko diyan (kay Erich). Lahat ng mga gamit niya, 'Mels, sa iyo na ito.' Yung parang 'ang ganda naman niyan.' 'Sa iyo na 'yan.' 'Ano ka ba Ers, nagandahan lang ako.' 'Mels, dito ka sa dressing room ko."

"Naalala mo ba Ers dati na parang nag-offer offer ka pa sa akin, may mga offer ka sa akin na bahay. Sabi niya, 'Sige na ako bahala, ano ba kailangan mo?' 'Ers, alam mo kaibigan tayo pero hindi ako ganyan, ayaw kong gamitin ba na ganoon ba.' Ito talaga (si Erich) grabe ka generous," 

Ayon naman kay Erich, mahalaga raw sa kanya ang oras na naibigay niya para sa kanyang mga kaibigan.

"Kumbaga quality talaga over quantity. Alam natin mahirap talaga magtiwala hindi ba? Pero for me once na naibigay ko 'yung tiwala, gagawin ko talaga lahat to keep that friendship, alagaan 'yon. Kasi rare rin naman 'yung mga tao na nakagaanan mo ng loob na alam mong you can trust also" sabi ng ni Erich

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post