Imanin ni Magandang Buhay host Melai Cantiveros ang plano niya noon bago paman siya naging artista.

Pangarap raw niya noon na mag-abroad para makatulong sa kanyang pamilya.

Kasama rin daw sa kanyang plano ang magkaroon ng asawang Amerikano na matanda.

Hindi raw talaga niya pinangarap at na-imagine na magiging artista siya ngayon.

“Yung unang-una kong plano nung hindi pa ako nag-artista kasi yung plano ko hindi naman talaga mag-artista.

“Bago ako mag-artista ang plano ko mag-abroad ako at mag-asawa ng Amerikano na matanda. Kasi di ba parang yun yung sinasabi sa mga probinsya na parang du’n na na-stuck yung utak ko na para maahon ang pamilya sa kahirapan."

“So parang gusto mo na makita ang abroad. Somehow yun din ang pangarap ko,”

Source: Bandera

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post