Hindi hindi naba-bother ang kapamilya actress na si Maris Racal sa mga nangnenega sa 25 years age gap relationship nila ng kanyang boyfriend na si Rico Blanco.

Ayon kay Maris na 23 years old na ngayon, normal at masaya ang relasyon nila ng kanyang 48 years old boyfriend na si Rico.

“It’s really a normal relationship. In their world, people may have opinions about age gap and relationships, but regarding the issue of age, we’re okay, ‘di kasi kami naba-bother,” sabi Maris sa panayam ng ABS-CBN patungkol sa kanilang May-December love affair.

Ayon pa kay Maris naiintidhan raw ito ng kanyang pamiya.

“I told my mom about it, she was first on my list. Surprisingly naintindihan niya!

“Inakala ko maraming magagalit pero kabaligtaran ang nangyari!

“Walang mawawala sa ‘yo ‘pag magpakatotoo ka. Kung wala kang pretensions, a lot of people will gravitate towards you. Dala-dala ko ‘yan up to now na maging truthful lang,” sabi ni Maris sa nasabing interview 


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post