Dating actress Deborah emosyonal na nagmakaawa na mabigyan siya ng trabaho
Hindi mapigilang maging emosyonal ng dating actress na si Deborah Sun habang nagmamaka-awa na sana ay mabigayan siya ng trabaho.

Sa isang youtube vlog ni Aster Amoyo, ay umapela si Deborah ng tulong na sana mabigayan uli siya ng pagkakataon na makapagtrabahong muli kahit hindi sa harap ng camera.

Okay lang raw sa kanyang kahit maging isang personal assistant.

Malaki naman ang pasasalamat niya kay Ara Mina dahil pinatira sila ng kanyang mga anak sa condo ng actress at nagbibigay pa raw ito ng grocery.

Matatandaang naging usap-usapan si Deborah matapos siyang maaresto sa condo unit ni Ara Mina na pinatirhan sa kanilang pamilya.


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post