Sa kanyang social media post, nakikiramay ang Entertainment Columnists na si Lolit Solis sa pagpapanaw ni Dating President Noynoy Aquino.

Ayon kay Lolit, bigla raw niyang naalala si Joshua Aquino anak ni Kris Aquino kasunod ng balita pumanaw si Noynoy .

"Bigla naalala ko si Joshua nang mabalita na namatay si dati President Benigno 'P'noy' Aquino, Salve. Kasi nga alam ng lahat how close si Joshua sa uncle Noynoy niya. Hindi nga ba pinili ni Joshua na sa Tarlac tumira kasama nito dahil nga ganun siya kalapit dito."

"Sure ako na broken hearted, at very sad si Joshua. Our deepest sympathy sa pamilya Aquino na nagda dalamhati ngayon dahil sa pagkamatay ng nag iisang lalaki nilang kapatid. Malaking kawalan para kila Ballsy, Pinky, Viel at Kris ang pagkawala ng parang rock nila dahil nga si P'noy lang ang male figure sa kanila after namatay ang kanilang father."

Narito ang kanyang buong post:

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post