Nagbigay ng kanyang prankang reaksyon ang beteranang entertainment columnists na si Lolit Solis sa posibilidad na tatakbo bilang congressman si Arjo Atayde.

Ayon kay Lolit, wala raw magiging problema kung tatakbo ang actor at naniwala rin si Lolit na susuportahan siya ng kanyang inang si Sylvia Sanchez at girlfriend nitong si Maine Mendoza.

“Kung sakali pala at matuloy si Arjo Atayde na tumakbo sa election as congressman Salve, parang ang bata pa niya. Pero kung talagang gusto niya ang pulitika, why not ? Malaking tulong na suportado siya ng mga magulang na sila Art Atayde at Sylvia Sanchez. At bongga kung sasama sa kanyang kampanya si Maine Mendoza.” 

“Wala naman sa edad iyan kung talagang gusto maglingkod sa bayan, tignan mo ang magandang record ni Mayor Vico Sotto at mga batang pulitiko. Mas maganda nga pag bata dahil mas may energy at iba ang vision kesa sa matatanda na naka set na ang mga mata sa makaluma na paraan of governance. Iba rin ang wisdom ng mga bata, kaya nga madalas sabihin ng marami na dapat bata na lahat ng namamahala, kaya puwede may chance si Arjo Atayde na maging congressman. Well, lucky charm niya tiyak si Maine Mendoza.” 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post