Ibinunyag ng kapatid ni Ivana Alawi na si Mona ang kanyang pakikipaglaban sa sakit na Diabetes sa edad na 16.

Sa latest vlog ni Ivana ay inilahad nito kung bakit absent siya sa ilang vlog ng actress. Ilang beses na raw siyang dinala sa ospital.

“I’m type one diabetic and for a while, hindi talaga controlled yung sugar ko even though nagtutusok naman kami. Recently, hindi ako okay. Alam mo yung nagkakasakit ako? Nag-start din ako dito sa pump. And then dun umokay na yung sugar ko for the first time in ten years… Kasi dati lagi akong high, 300 or 400. And ngayon, nasa normal na ako which is 90 to 140 ganun…"sabi ni Mona

“Pwede pa sa akin yun kasi nagbibigay naman ng insulin. 120 normal kapag normal ka. Pero 140 kapag sa diabetic, normal yun… After nun, nagkaroon ng problem yung nerves ko kasi nagulat yung katawan ko… Sanay kasi sila sa mataas na sugar. So yung nerves ko, nagulat sila tapos nagkaroon ako ng diabetic neuropathy. Pero I will get better. Hindi naman siya incurable…it will take some time para umokay ako…dagdag pa nito 

Sinabi rin ni Ivana ang ginawa niya nung naospital si Mona.

Ilang beses siya naospital nung pandemic. Tapos alam mo yun, hindi kami, hindi ako makadalaw. Pero isang beses, dumalaw ako. Wala akong pakialam, wala akong trabaho. Tapos nag-PPE ako tapos nagpunta ako dun sa room nila… Kasi ilang beses na siyang na-ospital dati. So ngayon, umookay na,”sabi ni Ivana 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post