Gerald masayang pinagsilbihan si Julia sa date nila sa private resort ng actor

Masayang pinagsilbihan ni Gerald Anderson ang kanyang girlfriend na si Julia Barretto sa muli nilang pagkikita sa private resort ng actor matapos ang lock-in taping nito para sa teleserye na ipapalabas sa TV5.

Sa video na ibinahagi ng @Jurald.officialfanpage sa instagram ay makikita na ipinaghanda ng actor kasama ng kanyang kaibigan si Julia ng mga seafoods.

Sabi sa caption ng @juralds.officialfan page sa kanilang post, “E ‘yung magkasama na sila ngaun. Reunited late dinner! #geraldanderson #juliabarretto.

“Sexy baby welcome back!” caption pa sa isa nitong post

Dagdag pa na caption @juralds.officialfanpage, “Ge: baby, ‘yung pinagsisilbihan niya c julia iba rin siya!” 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post

Contact Form