Isang makahulugang post ang ibinahagi ni Bugoy Carino sa kanyang social media account nitong fathers day.

Ikinuwento ni Bugoy ang kanyang pinagdadaanan noong siya ay naging batang ama.

"Nung naging daddy ako nagbago ang ikot ng buhay ko. Naging madiskarte ako, naging kuripot, naging mauunawain at naging mas matatag. Madami akong pinagdaanan na pagsubok bago ako maging isang ganap na daddy, pero nung lumabas si "SCARLET" lahat ng problema lahat ng sakit na sinasabi ng ibang tao, lahat yun nawala."

Ayon pa kay Bugoy mahirap raw maging batang ama peru proud siya sa kanyang paninindigan at hindi niya tinakbuhan ang kanyang responsibilidad.

"Mahirap maging batang ama pero gusto ko sabihin at ipagmas Dayaki na proud ako kasi pinanindigan ko at hindi ko tinakbuhan ang responsibilidad ko."

May mensahe rin si Bugoy sa kanyang pamilya.

"Kaya para sa anak ko at pamilya ko gagawin ko ang lahat maging maganda lang ang buhay natin. Mahal na mahal kita BABY SCARLET! 😘 "

Binati rin ni Bugoy ang mga ulirang ama na nagsakripisyo para sa pamilya at anak.

"SA MGA DADDY'S NA NAGSASAKRIPISYO PARA SA PAMILYA AT ANAK NILA, MABUHAY PO KAYONG LAHAT! HAPPY FATHER'S DAY! ❤️"

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post