Dumulong sa programa ni Raffy Tulfo ang may-ari ng condo unit na si Theresa Grenard na inuupahan ni Alma Moreno para ireklamo ang actress.

Ito ay matapos hindi makapagbayad si Moreno ng limang buwan na upa sa condo na kanyang inuupahan.

Ang masaklap pa rito ay hindi rin nabayaran ang bill sa kuryente na pumalo na sa mahigit Php40,000. Putol na rin maging ang koneksyon sa tubig ng unit. 

Makailang beses na rin daw sinubukan ni Theresa na makipag-usap at makipag-intindihan kay Moreno subalit hindi raw ito nakikipag-usap sa kanya. 

Sinubukan rin ni Tulfo na tawagan at kausapin si Moreno peru ayaw raw nitong makipag-usap on Air.

Narito ang buong video:

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post