Muling nagviral sa social media ang video ni Julia Barretto na kumakain ng isaw at betamax kasama si Enrique Gil sa kanilang guesting noong 2014 sa Gandang Gabi Vice.

Matatandaan na naging usap-usapan si Julia dahil sa vlog nila ng kanyang boyfriend ni Gerald Anderson na kung saan sinasabi nitong hindi pa siya nakakain ng isaw.

Panoorin dito ang video:

Ibinahagi rin ng fashion pulis website ang isang screenshot mula sa fanpage na QuenLia ang larawan kung saan hawak ni Julia ang isang isaw habang nasa likod nito si Enrique.
Screenshot from a QuenLia fan page on Twitter (@QuenLiaLoveTeam) via Fashion Pulis


2014 nagkatambal sina Julia at Enrique sa teleseryeng Mirabella.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post