Talagang binuweltahan ng komedyanteng si Pokwang ang kanyang mga basher na kumukwestyon sa pagtulong niya kay Miss Myanmar.

Sinabi kasi ng ilang netizen na bakit si Miss Myanmar raw ang tulungan e mas marami raw naghihirap dito sa Pilipinas.

"Dun sa mga nagsasabi na bakit daw maraming mahirap sa Pilipinas, bakit di ko raw ampunin, bakit daw si Miss Myanmar pa.  

"Excuse me, kung talagang followers ko kayo, legit ko kayong fan, alam niyo kung ano ang ginagawa kong pagtulong 

"At hindi ko na iisa isahin yun, ang importante alam ni God kung ano ang ginagawa ko. Hindi yun mga naka-data lang na makapag-comment. Okay? Kalma. 

Panoorin dito ang video sa tatak na 9:28.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post