Naglabas na ng kanyang saloobin si Ogie Diaz kaugnay sa kumakalat na fake news tungkol kay Bimby at Miles Ocampo.

Sa kanyang “Ogie Diaz Showbiz Update” YouTube account, ibinahagi ni Ogie ang mga fake reports na naibahagi sa Youtube na diumanoy binuntis ni Bimby si Miles Ocampo.

"Umaagaw lang po ng atension para magkaruon ng maraming views. Bute nalang matatalino ang netizens ngayon. Hindi basta basta naniniwala, hindi gullible. Nakakaloka. Hindi naman tayo sa edad lang para makabuntis, dapat 18 na para makabuntis, hindi."

"Ang nakakaloka, hindi nila kinonsider na si Bimby ay 14 years old lamang at 24 si Miles. Wag kayo basta basta naniniwala lalo na kung puro voice over lang ang nagaganap. May mga videos pero puro imbento po yung mga ginagawa nila."sabi ni Ogie 

May mensahe rin si Ogie sa mga gumagawa ng video para makakuha ng views.

"Utang na luob, yung nabuntis si Miles. Para makagawa lang po tayo ng issue, para lang magkaruon tayo ng views saating YouTube channel. Utang na luob tigilan niyo yan… ang dami diba… kailan kayo hihinto, nakakaloka kayo"


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post