Ipinagtanggol ng talent manager na si Ogie Diaz ang actress na si Angel Locsin matapos ang kontroberseya nito sa kanyang isinagawang community pantry sa Quezon City.

Sa kanyang vlog, inilahad ni Ogie ang tungkol sa pagkokomfort ng ilang celebrities kay Angel sa nangyari sa community pantry at may mensahe rin ito sa mga bashers.

“So sa akin lang ay sana nasisilip nung ibang tao, although yung iba kasi nag bubulag bulagan sa lahat ng ginagawang kagandahan at kabutihan ni Angel. Sana nasisilip niyo din yung kabutihan ni Angel. Lahat, in fairness to Angel napaka consistent niya…” sabi ni Ogie

“Sabi kasi nila itigil na daw ni Angel ang pamumulitika. Ano bang pamumulitika, kayo naman masabe niyo lang pamumulitika hindi niyo naman alam ang meaning. Masabe lang na kayo ay naka ano, updated sa mga pulitika… Hindi naman din ano si Angel, tatakbo…” dagdag pa nito

“Baka natatakot sila na tumakbo si Angel.” sabi ni Mama Loi

“Kasi mananalo si Angel kung tatakbong senadora. Ganun lang kasimple. Senadora yan o congresswoman or party list. Eh mas marami pa ngang ginagawa si Angel kaysa sa ibang congressmen hello…” sabi naman ni Ogie

“Yan bang mismong tumutuligsa kay Angel may nagagawa, para sa bayan? Ano pakiisa-isa po. Karamihan po eh puro ano lang eh, puro bashing through the snow….” dagdag pa nito

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post