Talagang hindi inatrasan ni Ogie Diaz ang challenge ng isang netizen na kung saan ire-represent niya si Former SC Justice Antonio Carpio para makipagdebate kay Spokesperson Harry Roque.

Sabi ng netizen:"Ang sagot ni Justice Carpio: Kung si Roque ang representative ni Digong, si Ogie Diaz ang proxy nya... walang kukurot below the belt... Fight!!"

Ayon kay Ogie, nagtatampo raw siya kay President Duterte dahil kung hindi umano nito inayawan ang hamon ni Carpio na makipagdebate ay hindi siya masali sa isyung ito.

"Ayan tuloy. Hindi nyo maiaalis sa akin ngayon na magtampo ako sa Pangulong Duterte. 

Kasi, kung kinol niya ang pagpayag ni Justice Carpio, sila sana ang nagdebate at hindi sana ako nadamay sa isyung ito. 

Tingnan nyo yan. I need to research pa. Paghahandaan ko pa tuloy ang debate namin ni Roque."

"Haaay. Andami ko nang problema, dumagdag pa ito. Isisingit ko pa tuloy itong debate sa hectic sked ko. 

Pwede ba, pagkatapos ng debate namin ni Roque, next time, wala nang hamunan? Napapasubo tuloy ako, eh. Di bale sana kung sa ibang sitwasyon ako mapasubo, eh." 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post