Inamin ng actress na si Mariel Padilla na siya ngayon ay nagsimula ng nagnegosyo dahil nahihiya na raw siya sa kanyang asawang si Robin Padilla dahil sa kanilang mga gastusin.

Gusto rin daw ni Mariel na ipadala ang kanyang anak sa magandang eskwelahan gaya ng mga anak ng kanyang kapatid.

Matatandaan na sinabi ni Robin na nagamit na nila ang savings para sa kanilang mga anak dahil sa hirap.

"So, nahihiya ako kay Robin. Nahihiya ako sa asawa ko na, ‘o ito ‘yung tuition fee.’ E, ito talaga ang gusto ko na doon sila mag-aral kasi meron akong dreams for them, gusto ko may maimbag ako, gusto ko mayroon akong masi-share para walang kahit sinong tao ang makakapagkuwestiyon kung bakit sa ganu’n school pumapasok ang mga anak ko," sabi ni Mariel 

Related video:

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post