Inamin ng action star na si Robin Padilla na naghihingalo na ngayon ang kanilang savings dahil sa pandemya.

Inamin rin ng actor na nagalaw narin nila ang savings para sa edukasyon ng kanilang anak.

"Hindi lamang po kayo ang hirap pati po kami sa aming tirahan ay masikip na masikip na ang sinturon sa pagtitipid. 

"Ang mga savings ay naghihingalo na kaya't pati ang nakalaan para sa edukasyon ng mga bata ay nagalaw na pero patuloy pa rin naming itinatawid ang mga taong nasa pakpak namin, hangga't maaari ayaw namin sila maghirap kaya't ang aming mga sueldo ay diretso na sa kanila." 

Ayon kay Robin, maging ang kanyang asawang si Mariel ay nagsimula naring magnegosyo para sa kanilang daily expenses.

"Ang asawa ko ay nag negosyo na rin para makatulong sa aming mga panggastos halos wala ng tulog sa kakaalaga sa pamilya niya at sa pag aayos ng karne niya pero kinakailangan niya kumilos." 

Narito ang kanyang buong post:

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post