Di mapigilang supalpalin ng komedyanteng si Chad Kinis ang basher na nagkomento sa post niya tungkol sa Miss Universe.

Sa kanyang facebook account ay nagpost si Chad ng kanyang saloobin tungkol sa Miss Universe.

"Oh wag niyo muna ako inaano ha, mainit ulo ko. #MissUniverseBatGanon" sabi ni Chad sa kanyang post 

Matapos nito may isang basher na nagkomento at ginawang politika ang Miss Universe na matatandaang nakasuot ng yellow gown at two piece si Rabiya Matteo.

"Pag dilawan talaga ganyan mangyayare." sabi ng netizen 

Na agad sinupalpal ni Chad at sinabing wag siyang isali sa usapang politika.

"hoy huwag mo nga ako sinasali sa usapang politika niyo ha! Wala ako pakelam kung DDS o Dilaw ka dahil wala akong pinapanigan noon pa! Si Miriam binoto ko wag kang bano! Wala akong pakelam sa politika niyo basta pinoy ako tapos!"

Photo Credits on Facebook Chad Kinis


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post