Kamakailan lang ay nainterview ang actor na si John Lloyd Cruz ni Ceasar Soriano sa kanyang channel na GreatCzar Media. 

Sa nasabing interview ay napag-usapan nila ang tungkol sa nag-iisang anak ng actor kay Ellen Adarna na si Elias Modesto.

Tinanong ang actor ni Ceasar ng: "Meron kang isang anak, gano mo siya kamahal? Siya ba ang mundo mo ngayon?

"At paano mo ito tinatanggap na, parang merong mga komplikasyon na ikaw mismo ay natututo para tumayo ng matatag."

Sagot ni John Lloyd: "Anak ko talaga ang teacher ko. Malaki ang papel nun sa kung bakit ako ay andito pa ngayon. 

"Malaki talaga ang papel niya kung bakit bumabangon ka, nagsusumikap ka. Kaya, nako, malaki ang utang ko, utang ko ang buhay ko sa anak ko." 

"Kung wala yung anak ko, baka wala na rin ako dito."

Narito ang buong interview:

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post