Matapang na niresbakan ni The Voice Kids Season 2 Grand Champion Elha Nympha ang isang basher na nanlait sa kanyang itsura at ang pagiging maarte umano nito.

Sinabi kasi sa isang netizen na di raw nagbago ang mukha ni Elha, hayop at maarte raw ito.

Sa comment section ng nasabing basher ay nagkomento si Elha at siniguro nito na makakarating ang ginawa ng netizen sa management upang gawan ng legal na aksyon.

Ibinahagi rin ni Ella sa kanyang facebook post ang screenshot sa mga pinagsasabi ng netizen.

Caption niya sa kanyang post: "Ate pa'no po kaya kung sa anak n'yo po nangyari ito? Babae pa mandin s'ya. Think before u post po."


Photo Credits: Elha Nympha on Facebook


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post