Malaki ang pasasalamat ng kapamilya star na si Andrea Brillantes sa social media dahil natupad ang kanyang pangarap na makabili ng bahay. 

Ayon kay Andrea hate raw niya dati ang social media peru dahil rin dito ay unti-unti niya nang naabot ang kanyang pangarap.

Ibinunyag rin ni Andrea na dahil wala umano siyang maraming projects kaya gumamit siya ng tiktok at musically.

“Grabe yung struggles simula nung bata ako. Kahit minsan, sabihin ko ng I hate it, I hate social media pero nang dahil dito natupad ko pangarap ko kasi hindi naman talaga ako yung madaming teleserye.” 

“Dahil sa social media na yan, natupad ko yung makabili ng bahay. Hindi talaga siya actually sa teleserye kasi napupunta yun lahat sa money na pangkabuhayan so social media talaga helped me."

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post