Naglabas ng kanilang mga saloobin ang ilang kapamilya stars sa ABSCBN Shutdown Anniversary.

Kahapon, May 5 ang 1st anniversary ng pagkawala ng prankisa ng ABSCBN.

Sabi ni Kim Chiu: "𝗠𝗔𝗬 5. Isang pangyayari na buong buhay ko hindi ko inaasahan na darating ang araw na yun. Masakit. Malungkot, Nakakapanghina, Nakakaiyak, Hindi kapanipaniwala. 😔💔

Isang taon ang nakalipas.., MARAMING SALAMAT MGA KAPAMILYA AT HINDI NYO KAMI INIWAN!❤️💙💚 MARAMING SALAMAT SA PAGMAMAHAL AT SUPPORTA ninyo sa ating tahanan. Nawala man sandali hahanap ng paraan upang kayo ay paglingkuran, magbibigay ng saya, inspiration at ligaya sa bawat tahanan na nagpapatuloy sa amin."

Sabi naman ni JM de Guzman: "ANDITO KAMI PARA SA 'YO — kayo po ang tanging dahilan kung bakit naglilingkod ang ABS-CBN, mula noon hanggang ngayon. Dahil sa inyong suporta, patuloy tayong nakakapaghatid ng mga kwento, nakapagbibigay ng saya at inspirasyon sa Pilipino."
Sabi naman naman ni Angelica Panganiban: "Isang taon na. Binusalan at pinatayan ng kabuhayan. Hindi kami makakalimot."
Sabi naman ni Anne Curtis : "It’s been a year since we were all left in disbelief. Maraming Salamat sa mga loyal Kapamilya who continue to support ABSCBN na patuloy gumagawa ng paraan para makapaglingkod, makapamahagi ng impormasyon, balita at makapagbigay saya sa pamilyang Pilipino saan mang parte ng mundo"

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post