Tila bumahag ang buntot ng actor na si Robin Padilla matapos tanggapin ang kanyang hamon na pumunta sa West Philippine Sea ng isang AFP Colonel na si Michael Logico.

Matatandaan na naghamom si Robin sa mga senador at mga kilalang artista at singer na samahan siya sa West Philippine Sea kung talagang matapang ang mga ito.

"Kung talagang matapang kayo, sumama kayo sa akin. Tayo ay maging militia. Tapatan natin 'yung militia ng mga Chinese. Pumunta tayo doon. 'Yung aking alok sa inyo ay seryoso. Pina-public ko ito para hindi tayo nagbobolahan lang." sabi ni Robin

Kumasa dito si Col. Logico at nagkoment ng "Call!" sa post ni Robin at sumagot naman ang actor ng "Let's go!"

Matapos nito ay hinahamon rin ni Col. Logico si Robin: "1. Get a haircut. 2. Apply for MNSA. I will be your instructor. 3. Apply for GCSC. I will be your instructor again. 4. If you make it past step 3, you will have the minimum competency to become an RCDG Commander. That will put you in a better position to challenge anyone."

Tila umatras sa kanyang hamon si Robin at humingi ng tawad sa nasabing colonel.

Robin: "Sir... I apologize if in any way I offended you with my video. Sir, it's too late for me to dream and become a highly trained officer like you. If destiny allows it, I will just see you there as a civilian ally."

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post