Kamakailan lang ay nabigyan ng pagkakataon si Enchong Dee na makapanayam si Melai Cantiveros sa kanyang youtube channel.

Pinag-usapan nila dito kung paano binudget ni Melai ang kanyang pera.

Inamin ni Melai na noong bago palang siya sa Showbiz ay lage  umano siyang gumagastos at gusto niyang itry ang mga gusto niya peru nagbago ito simula ng siya ay magkapamilya.

“Ako talaga, partner, aminado ako nu’ng nagsimula ako ng kita sa show business, talagang inenjoy ko talaga partner. Triny ko talaga lahat. Pumunta ako ng mga resort [kasama] ‘yung mga barkada ko. Talagang inenjoy ko lahat. So talagang masasabi mo talaga na walang investment ‘yun,” 

“Pero this time, nu’ng nag-asawa ako, nagkaroon kami ng anak, nagbago na. Never na. Kung ano ang ikabubuti ng anak namin, doon kami. May mga investment, may mga ipon. ‘Yung mga ganu’n. Pero hindi ako, partner, maluho,” 

Ipinaliwanag din ni Melai kung bakit niya tinanggihan magbayad sa tuition fees ng kanyang mga kamag-anak.

“Kunyari sa mga pinsan ko, hindi ako magbabayad ng mga tuition fee nila. Hihingan ako ng kapatid ng pang-tuition, [sasabihin ko] ‘Ba’t ako [magbabayad ng] tuition fee ng anak mo?’ Eh anak mo ‘yan,” 

"Kami, bata pa lang kami, tinuruan na kami na huwag umasa. Dapat kayo maging breadwinner. Pero dapat breadwinners. Lahat kayo breadwinners ng family. Kunwari nagta-trabaho si Ate. Dapat nagta-trabaho ka rin. Kunyari sinabi ng kapamilya ko tuition fee, ba’t ako mag-tuition fee? Pagalitan talaga." 

Panoorin dito ang buong interview:

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post