Nagbigay ng kanyang prankang pahayag si Lolit Solis kaugnay sa relasyon nina Bea Alonzo at Dominic Roque.

Ito ay matapos aminin ni Bea Alonzo na nagde-date na sila ni Dominic Roque sa isang viral interview ni G3 San Diego ng Mega.

"Maganda naman ang latag ni Bea Alonzo ng present state ng lovelife niya, Salve. Dating pero hindi exclusive, kumbaga wala commitment. Very open minded ang pagtanggap dito ni Dominic Roque, dahil Ok lang sa kanya. Very honest naman si Bea how she feels, kaya siguro magkasundo sila. In the long run, puwede maging mas matibay ang relasyon, o puwede din mawala. At least anuman mangyari sa dulo, wala magiging sumbatan, dahil iyon ang pinag usapan nila. Hindi exclusive ang dating nila, meaning puwede makipag date sa iba, at kung mas maging matindi ang feeling mo,puwede wala na tayo." 

"Very liberal, siguro nga, natakot narin sa responsibility si Bea at sa commitment, kaya heto muna ang kanyang ginawang sagot sa nangyari sa kanya. Puwede mong hangaan ang pagiging understanding ni Dominic, na para lang siyang escort on call, pero walang label. Bongga, very modern way of romance. Kung magiging seryoso, fine and good, kung hindi mag grow, goodbye lang, wala ng explanation. Galing di bah!”

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post