Pinuna ng beteranong actor na si John Arcilla ang mga taong ginagamit ang pandemya para pagkakitaan.

Isa sa pinuna ng actor ay ang pagtaas ng presyo ng oxegyn tank.

“Yung oxygen concentrator na kelan lang ay 17K ngayon ay 32K na. Napakasakit na kung kailan walang pera ang tao, yung iba lahat ng pagkakataon na negosyohin ang mga health needs ng tao ay nenenegosyo. Hindi para sa kaligtasan ng kapwa,” simulang pahayag ni John sa kanyang Facebook account. 

Ayon pa kay John, kaya raw nagkaganito ngayon ang bansa ay dahil sa mga taong sakim sa pera.

“Bakit ganito na tayo? Parang mas marami pang nagkakasakit at nababawian ng buhay dahil sa sama ng loob at dahil sa kasakiman ng iba at hindi dahil sa pandemya." 

“Labanan naman natin ang ugaling ganito. Mas kailangan nating maging makatao sa gitna ng krisis na ito. Dapat may regulating committee din dito para hindi kanya-kanyang trip ng presyo,” lahad pa ng gumaganap na Renato Hipolito sa Kapamilya serye na FPJ’s Ang Probinsyano. 

May mensahe rin si John sa mga pilipinong pinanghihinaan na ng loob.

“Sa mga kababayan ko na pinanghihinaan, tatagan natin ang ating loob alang-alang sa mga mahal natin sa buhay. Hindi nila maaagaw sa atin ang tatag ng loob. Huwag nating hayaan na manalo ang kasakiman ng iba kapalit ng ating kaligtasan,” pagdidiin ni John.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post