Maraming netizens ang nalulungkot sa balitang pansamatala munang iwan ni Jhong Hilario ang Its Showtime at ang Your Face Sounds Familiar.

Ayon sa report, nagpaalam umano si Jhong sa management para bigyan ng prayoridad ang kapakanan at kalusugan ng kanyang asawa na si Maia at ang bagong-silang nilang anak na si Sarina.

Kaya naman ay marami sa mga netizens ang nanghihinayang kay Jhong Hilario.

“Go lang, Kuys Jhong. Focus ka muna sa family.” 

“Okay lang yan basta walang lipatan ng station ha.” 

“Ayos lang yan, pansamantala lang naman. Di gaya ng ibang umalis na lumipat na ng ibang channel.” 

“Ok lang naman yan. Baka nga naman mahawa pa siya ng virus sa kung saan tapos maiuwi niya sa bahay nila. Deikado.”

Samantala, tuloy pa rin naman daw ang trabaho ni Jhong bilang konsehal ng Makati.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post