Buong tapang na hinarap ni Camille Trinidad ang umanoy mga ibang babae ni Jayzam Manabat na nagpatulfo sa kanya.

Dumulong ngayong araw sa programa ni Raffy Tulfo ang dalawa sa mga babae na nakilalang sina Dambie Tensuan at Nyca Bernardo dahil sa umanoy pamamahiya sa kanila.

Sa nasabing programa ay inamin ni Nyca na nahulog ang kanyang loob kay Jayzam dahil akala raw nitong hiwalay na sila ni Camille.

Si Dambie naman ay pinabulaan niya ang mga alegasyon.

Samantala matapang naman na binanatan ni Camille ang dalawa na nakipagchat kay Jayzam dahil alam raw nitong nakatira na sila sa isang bahay.

"Gusto ko lang sabihin na unang-una pa lang na alam naman nila 'yung tao na may kabahay na di ba? Bakit nila gina-grab ang pagcha-chat ng boyfriend ko kahit alam naman nilang may kabahay na? Kung matino kang babae rereplayan mo ba 'yon kahit anong sabihin sa'yo, 'di ba?” 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post