Usap-usapan ngayon sa social media ang latest post ni Megastar Sharon Cuneta matapos siyang humihingi ng pasensya kay Angel Locsin.

Sabi ni Sharon:"Pasensiya ka na anak ko @therealangellocsin pero kailangan ko ito ipagsigawan huwag ka magtatampo sakin!!! "

 Matapos nito ay ibinunyag ni Sharon na nagdonate ng Php 50,000 sa Pawssion Project Foundation, isang PH-based animal welfare group na kung saan pinopromote ni Megastar online.

"Thank you with all my - our hearts for your generous P50,000 donation to @pawssionproject! We love you! Mabuhay ka anak!

"Thank you for helping the voiceless and showing them so much love and support! Lahat tinutulungan mo di lang kapwa tao natin. God bless you always!" sabi pa ni Megastar 

Marami namang netizens ang humanga sa ginawang kabutihan nina Angel at Sharon.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post