Talagang di mapigilang supalpalin ni Megastar Sharon Cuneta ang isang netizen na nagsasabing hindi niya kayang makipagsabayan sa mga sikat na artista ngayon.

Ito ay matapos magkomento sa post ni Mega na kung saan kinukompara siya sa mga sikat na actress ngayon na sina Bea Alonzo, Liza Soberano, at Anne Curtis, na bukod sa kanilang galing sa pag-arte ay kilala dahil sa kanilang taglay na kagandahan.

Sabi ng netizen: "Good thing noon ka nag-artista. Kung ngayon ka sumabay kina Bea (Alonzo), Liza (Soberano), Anne Curtis, baka 'di ka napansin. Kung kamukha mo sana mommy mo, pede ka sumabay kaso daddy mo kamukha mo e," 

Sagot naman ni Mega: "Eh 'di ka nag-iisip. Sa dami na ng dumaan bago pa dumating sina Bea at lahat sila eh maganda na ako! Marunong kumanta, sumayaw, umarte. Nagpayaman ng producers dahil lahat ng ginawa ko sobra ang kinita. At nandito pa rin ako!" 

"Alam mo, ang ganda, sampusampera. Ang 'di maipaliwanag ng at sa tao, ay 'yung tinatawag na X-Factor. Puede ba ako sumikat ng 'di milyon ang sumuporta at nagmahal sakin? Engot," 

Mas lalo pang umiinit ang kanilang sagutan ng magkomentong muli ang netizen at sinabi nitong: "Tatatlo lang kayo: Snooky (Cerna) was marketed as lost, unstable, and rebellious. Maricel (Soriano) was marketed as mataray and you were marketed as pa-sweet. So of course, people gravitated to you. Pero kung mukha lang, mas maganda sina Snooky at Maria sa 'yo."

"Wala kang point, madami na kami noon, engot ka lang talaga. Kahit madaming maganda bilangin mo ilan umabot sa kinalalagyan NAMING mga kween hindi kween kweenan o feeling kween."

Sagot naman ni Sharon: "Wala kang point, madami na kami noon, engot ka lang talaga. Kahit madaming maganda bilangin mo ilan umabot sa kinalalagyan NAMING mga kween hindi kween kweenan o feeling kween."




1 Comments

Dont Forget to Leave a comment

Unknown said…
Go go go Shawie...kung san ka masaya dun ka. Im sure d mo sila inutangan. 🤣 madami dami din akong pinanood sa pelikula mo at nag enjoy ako so Goodluck and Godbless!🥰
Previous Post Next Post